Thursday, November 29, 2007

my classmate



By some quirk of curriculum, my BS Zoology course in UP Diliman did not have a basic language subject that matched the AB Creative Writing Syllabus of Silliman University. So I enrolled in Filipino 11 (Pagbasa at Pagsulat) together with a bunch of Freshmen and on the first week of school we were asked to interview a classmate and introduce him or her to the class. My partner was…


IZA

Parang itinakda ng tadhana
Na kami ay magkatagpo
Isang batang sumusulong
Isang ginang na tila… umuurong.

ISABEAU RITZI I. UMACOB

Mahirap bigkasin
Mas mahirap baybayin
Pinili ito ng kanyang mga magulang
Na sina Lucio at Ritzi Umacob
Dahil sa isang pelikula
Na napanood nila.

I-S-A-B-E-A-U
Isabeau.
Hindi pangkaraniwan, ano?
Ang palayaw niya ay IZA
Ipinanganak siya sa Zamboanga
Si Frances Karl ang kanyang kuya
Karen Lu naman ang ate nya.

Nakatira siya sa Larena Hall
BS Narsing ang kanyang habol
Gusto niyang maging doktor
At si Russel Crowe ang
Paborito nyang aktor.

Mahilig siyang magbasa
Ng fiction at romansa
At sa larangan ng pagsusulat
Ang pangalan nya ay naka-aangat
Sa National Press Conference
Feature Writing Contest
Nagwagi siya
Isa sa mga da best.

May katangian siya ng isang lider
Na hindi basta-basta ang caliber
Sa Regional Science High School
Student Government
Itinanghal siyang president.

Siya si Iza.
Ako si Ate Mel

Magkatulad
Magkaiba

Labing-anim na taong gulang siya
Ako ay may anak na labing-anim
Na taong gulang na

Gusto nyang maging manggagamot
Sa medisina ako’y tiyak na kasanggkot

Ang kaarawan nya ay sa
Ika-labing apat ng Agosto
Sa ika-dalawampu’t apat ng Agosto
Ang ipinanganak naman ay ako

Mahilig siya mag-alaga ng pusa
Sa gulong ko marami ng pusa ang napisa

Magkatulad
Magkaiba

Ako si Ate Mel
At siya si IZA.











1 comment:

§...tweanky...§ said...

char ha!...kaila jud ka sa imong mga classmates?....hehehe..