Wednesday, April 30, 2008

ang Pilipinas

Bayan ko

words: Jose Corazon de Jesus
music: Constancio de Guzman
artist: Freddie Aguilar





Dakilang Lahi

words and music: Tito Sotto and Anthony Castelo
artist: Ciarra Sotto



Dakilang lahi
na sa 'yong tangi
pag-ibig ko inang bayan
isinumpa ko
o Pilipino gagaling ang sugat
ng iyong nakaraan
nang pahiran ko
luha ng 'yong puso
ay natayo muli
ang karangalan mo

o ang pag-ibig ko'y sa 'yo
inang bayan
ikaw ang s'yang dalangin ko
sa Diyos kailan pa man
kuminang na
ang iyong bituin
at sumikat na'ng araw
ang kalayaan mo'y sinisigaw
ang bukas ay tanging sa 'yo
nakalaan kayumanggi ang kulay mo
dugo't pawis inalay mo
'di ka na maaapi
ngayon o kailanman
pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan

dakilang bayan
kapayapaan
iyo'y muli nang nakamtan
tulad noong araw
bago inagaw
ang kayamanan mo
ang 'yong kalayaan
nang pahiran ko
luha ng 'yong puso
ay natayo muli
ang karangalan mo

o ang pag-ibig ko'y sa 'yo
inang bayan
ikaw ang s'yang dalangin ko
sa Diyos kailan pa man
kuminang na ang iyong bituin
at sumikat na'ng araw
ang kalayaan mo'y sinisigaw
ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan
kayumanggi ang kulay mo
dugo't pawis inalay mo
'di ka na maaapi
ngayon o kailanman
pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan
kahit na gaano kaliit ang tinig ko
buong lakas akong magtatanggol sa 'yo

ang bukas ay tanging sa 'yo nakalaan
kayumanggi ang kulay mo
ang buhay ko'y alay sa 'yo
'di ka na maaapi ngayon o kailanman
pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan
pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan


No comments: