Monday, May 25, 2009

hayop sa ganda




Ito ay si Macky, ang resident parrot ng
Coco Grove Resort sa San Juan, Siquijor.





Ito naman si man and cow, where the master is giving the beast an early morning salty bath in the clear and calm waters of San Juan, Siquijor.

At nakikita mo ba yong bamboo little thingy doon sa right upper corner ng photo? 'Yon ang floating cottage ng Coral Cay Resort, kung saan kami nakatira (sa resort, di sa floating cottage, ha). Malayo, ano? Mantakin mo ba namang nilangoy namin mula dalampasigan hanggang doon? At pabalik pa! Haneeeep naman!

Kaso, baka maniwala ka. Estir lang yon. Ang totoong nangyari, nagkayak kami papunta doon, itinali ang kayak sa floating cottage at doon kami nagswimming palibot-libot sa cottage. Aba'y malalim doon, ah. Crystal clear ang tubig at maraming maliliit na isda. Kaso lang maraming sea grass kaya medyo katakot ng kaunti, baka may biglang lumabas na something mula sa seagrass, ano kaya? Tang-ng-ng-ng-ng-ng-ng-ng. (Tune ng theme song ng 'Jaws.')


No comments: