Tuesday, January 15, 2008

Happy Birthday, Raphael!



Siya … Ako

- by Raphael


Sa isang bintana, aking nakita
Isang lalaking mapagmahal sa kapwa
Siya’y nakakapagbigay ligaya
Sa kanyang mga kaibigan o sa hindi niya kilala

Hindi siya kasing tangkad ni Yao Ming
Hindi siya kasing gwapo ni Brad Pitt
Pero sa aking namamasdan, ako’y napra-praning
Dahil siya ay kasing bait ng anghel na galing sa langit

Siya’y hindi marunong maglaro ng baseball
Lalong lalo na sa larong basketball
Pero siya’y magaling sa pagpapatawa
Ang kanyang mga biro ay hindi nakakasawa

Sa aking tinatanaw ako’y napatawa
Yun pala’y salamin, hindi bintana
Ako’y nagmukhang nasiraan ng ulo
Ako ay napangiti dahil siya pala ay ako.







.

2 comments:

Lance said...

cool! is this a poem or it can also be a rap song. :))

Ness said...

Lancelot!

This is a poem written by my son Raphael who turned 17 yesterday. This came with groovy graphics but I don't know how to post that here.

How are you over there in the other building? Hehehe. And when are you going to update pXP?! 2008 na intawon. :-)